Elepantasya Serye #2 (",)

"uy tol, anong ginawa mo last weekend?"

"la masyado, had visitors come in saturday, sinundo ko sa airport tapos met up with an old old friend on vacation tsaka mga barkada nya..."

"girls?"

"mas marami girls sa group..."

"meron ba tall, pretty and kind?" nakow po, umandar na naman ang pantasya nitong bata na to. para sa di nakaka-alam, basahin ang Elepantasya Serye entry ko..

"oo."

"nakow ba't di mo naman ako tinawag?"

at this point di ko alam kung anong isasagot ko, pwede ring "di namin kailangan ng mascot" o di kaya, "kaibigan ko sila, at bilang kaibigan kailangan ko proteksyunan ang kanilang kapakanan." pwede ko ring banatan ng "ba't ganun, pag kaibigan ko gusto mo makilala, pag ikaw me bisita di ko man lang nakita ang mga anino?"

ngumiti na lang po ako sabay sabi... "ay nako tol, maglaro na lang tayo ng badminton." ayoko po makapagsalita ng masakit, kaya eto sinusulat ko na lang para mabasa ng buong mundo. aray ko.

second entry.... got a text message from an acquaintance... "lord, sana magka boyfriend na ko. kung di man, sana lahat ng friends ko single na rin! damayan na to!"

at gusto pa ata malasin ang relasyon ko ah. sinagot ko nga.. "assuming ka naman, di tayo friends uy!"

Comments

Anonymous said…
minsan mabuti pang magkasakitan para maitama ang kabuktutan.. mabuhay ka kaibigan.. ipaglaban mo yan.. suportahan ta ka!!
Meg21 said…
... mahirap magsabi ng totoo pero maluwag naman sa kalooban... heheheh ... buti nga yun lang sinabi mo... baka sakin nakatikim pa yan ng mga out of this world na comment heheh... naalala ko tuloy si joy naten sa hello...di ba madalas niya sabihin na "hay naku mamatay na lahat ng maganda ang relasyon"... whereas after niya sabihin yun makakatikim siya kay ricchie ng "gaga... hindi lahat ng tao bitter na katulad mo!" hehehe of course it was meant to be a joke... pero medyo harsh heheheheh ... hay naku... bakit ba ang mga tao pag nahihirapan naghahanap ng karamay...pag nasasarapan naman eh hindi ka nila kilala heheheh... buhay talaga...parang life ,,, hehehehe
Anonymous said…
...I'm just proud to be your friend... you know why? kasi alam kong prangka ka sa akin... hehehe at alam kong sasabihin mo sa akin kung panget ako... thanks... i miss you!

Popular posts from this blog

the sign

a most unusual saint

Cambugahay, Lazi, Siquijor