Word for the day: Eulogy
nung isang araw nanood ako ng "Forever and a day".
hep, walang kokontra, please, pinilit lang ako. katapat lang isang scoop sa gelatissimo ang bribe sa 'kin. and yes, namatay si sam milby sa movie.
at kung nag react ka sa statement na yan, obvious nanood ka din (ipokrita!).
anyways, me isang scene, si kc nag dialogue kay sam: "i want to hear your eulogy for me...", aaminin ko, medyo affected ako, samahan pa ng singhot at impit na hikbi ni doktora minnie sa tabi ko, medyo mapapaluha ka din. kasi naman, ang daming kurot ni minnie, sakit ha?! dyos ko po, 30 years old (hep, ano sabi ko? WALANG KOKONTRA) na tayo?! kinikilig pa din?!?!
syempre, ready na si doktora sa kanyang pang urian best actress for a single scene emote award sabay kuha ng panyolitong puti. yung isa pang kasama namin na si doc ron ready na rin sa showtime bigtime performance. dapat one tear lang, right eye.
di rin patatalo si doktora emik at nangi-ngilid luha na ang maldita habang bumubulong na "this is it, really really is it!" sabay kurot sa kay dok jason (husband) para umiyak din. yes, biktima din si jason sa pangyayaring eto.
opo. ma drama ang mga kaibigan kong doktor.
sa likod namin, sabi ba naman ni yaya... "ate ano yung euology?"
ewan ko, bumaligtad ang luha ni minnie, nag auto reverse. sabay naman kami ni ron na sikuhin si minnie. kung merong 3D movie effect, ang sa 'min, 4D, ewan ko nanginginig ang upuan namin at medyo napalakas ang impit na hagikhik ni minnie.
ikaw, alam mo ba ang translation ng eulogy sa pilipino o di kaya bisaya?

Comments