Saturday, June 25, 2011

Ang Ded na Ded kong Telpon.


my nokia china rip-off dual sim phone finally croaked after three years of faithful service and many months of frustration trying to figure our the menu items that are in chinese.

and since my word for the day is "Eulogy", here are my last words, sentences, phrases, euphemism, allegory and thoughts dedicated to my phone:

eskandalosa ka. lintek sa lakas ang ringtone, keypad at message tone mo! naman, pati kapitbahay ko nagigising sa lakas ng alarm mo. nung isang araw nakalimutan kitang i set, nag reklamo si ate charo at na late daw sya sa gising dahil hindi ka nag ingay. sa sobrang pikon ko, ginamit ko tuloy yung isang pre-recorded tone na pang-gising, ayun natahimik si ate charo ng nag-ingay ka na "peking na mo" (repeat 200X).

da best ka din, sa halagang less than payb thousand, meron kang radyo, mp3 player, voice recorder, video and TV recorder, 8 megapixel camera (pero di ko alam kung bakit blurred pa din ang quality), dual sim at snake xenxia na paboritong kung laruin gabi gabi pag pagod na ko panoorin ang replay ng face to face ni amy perez. at waw, may chinese subtitles. di ko maintindihan of cors.

bilib din ako sa haba ng antenna mo, sa sobrang clear, pati television show sa china na pick up ko pa. medyo yucky nga lang yung mga cooking show nila, sino ba baman gusto kumain ng "galic flied lice"? alam ko exotic food sa shanghai, pero naman, pati kuto pinapatulan dun?

at sigurado ako marami ka pang features, kaya lang di ko maintindihan kasi nga chinese. oo nga naman, china phone di ba? alangan naman eyspanish ang instructions mo. pati manual mo na chinglish pakiramdam ko sinulat at nirebyu ng mga taga DepEd. "to alive the phone, enter the power and turn on the button." muntik na kitang itapon habang kumakanta kanta ng "alive alive, jesus is alive"

ilang libong text messages din napadala ko sa yo, ilang oras ding tawagan dahil sa sun unlimited call and text combo ko. yun nga lang, nakakapikon ka dahil may automatic censorship ka na built in dahil chinese ka nga. ilang beses ko sinubukan i type ang "FUCK YOU!" pero lumalabas talaga "PACK YOU!" kala tuloy ni kapitbahay ate charo inimbita ko sya sa outing at sumagot pa, "PACK NA ME, PACK NA YOU?!?" da nerb.

bilib din ako sa auto censorship feature mo, yung kaibigan kong manyak, yung mahilig magpadala ng malalaswang peektyurs (i swear i don't like them ha?!) kaya mong i change ang content. meron akong MMS natanggap, title BIG PUSSY, tapos pinalitan mo ang laman na si garfield. mataba nga naman.

nako, wag mo ko simulan sa text na yan, di ko alam kung bakit lahat ng text ko dapat naka CAPITAL letters. pero oo nga naman, yan naman ang mahal ko sa yo.

eskandalosa ka.

No comments:

LinkWithin

Related Posts with Thumbnails