Hanggang Saan Aabot ang 368 Pesos Mo?
TUGS TUGS TUGS TUGS TUGS SIGE SAYAW TUGS IGILING MO AYAN SAYAW PA TUGS TUGS TUGS TUGS...
pero ang tanong ko, hanggang saan aabot ang 368 pesos mo? kung bibili ako ng selecta cornetto 18 sa barkada ko eh mag tu-tugs tugs tugs din sa sarap. pero kung tatanungin mo ang Comelec Bid and Awards Committee tsaka One Time Carbon Paper Supply eh iisang "ballot secrecy folder" lang yan.
aba parang kapareha ng golden turon sa congress na binabayaran nila ng Php 250 each para sa session snacks ng mga tongressman. 294 kotongress members sa pilipinas, Php 73,500 every session ang ginagastos nila para sa turon. sa narinig ko eh meron kasamang magagandang babae at maskuladong lalake ang sumasayaw sa beat ng tugs tugs tugs habang nag se-serve ng turon. ah, entertainment fee pala ang add-on sa special golden turon na to.
ang laki siguro ng kita ng supplier dyan. nakapatayo na ng mansion sa borakay. nakabili na ng bahay sa camella homes, tapos nakapag pagawa din ng access road katabi ng c5.
bumili na lang kaya sila ng cornetto? mas masarap na, may chunky bouncer pa na pagiling giling. tugs tugs tugs
naman mga super prends, ano ba yang secret folder na yan? eto yung ginagamit mo para walang makakopya ng binoboto mo sa presinto. heller, ano to? exam? kokopya ba ang katabi mo? ah alam ko na, secrecy folder nga pala... para maitago mo ang kodigo mo at yung mga pre-printed voting samples kung asan naka butas na para sa yo ang mga kupal na kandidates.
pero teka, di lang iisang folder ang pinaguusapan dito, almost 2 million super secret ballot folders ang kontrata at ang halaga nito eh Php 690M. bakit di na lang sila pumunta sa friendly neighborhood na bookstore at mag order ng long sized folder dun? Php 4 pesos lang po ang halaga bawat isa. punta na lang kaya sila ng Office 1 Superstore? am sure meron pang bulk discount dun with special delivery pa to the farthest destination in the country. from babuyan islands to tawi tawi.
meron pala akong tanong, yung pangalan ng company, One Time Carbon Paper Supply - parang, hmmmm... parang fly by night ang dating. yun bang pang election lang. one time nga naman. pagkatapos ng election, wala na rin sila.
kung hindi pa to ni-report ng abs-cbn di pa to mae-eskandalo at matigil ang kabalastugan na to. buti na lang di masyado makapal ang foundation make up ng taga comelec, nahiya din at ni recall ang contract. pero kung makalusot, malamang nag tu-tugs tugs tugs na din sila sa saya.
hindi po ako binayaran ng selecta. pero in fairness, masarap ang cornetto cone nila. belated happy birthay to april, we celebrated her birthay with a round of tugs tugs tugs aka cornetto at the stroke of midnight!
for more information about this particular news click on this link.
Comments